Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang Hans T. Sy Leadership Award for Autism Inclusion and Welfare mula sa Autism Society Philippines bilang pagkilala sa kanyang pagsusulong ng mga programang inklusibo para sa persons with autism.
Iginawad ang parangal bilang pagkilala sa mga hakbang ng Lungsod Quezon para sa pagtanggap, suporta, at pagpapahalaga sa mga indibidwal na may autism tungo sa isang Autism-OK Philippines.
Kabilang sa mga nag-abot ng parangal sina ASP Chair Dang Koe, at mga opisyal ng organisasyon.
Nakiisa rin sa okasyon si QC Persons with Disability Affairs Office Head Debbie Dacanay.










