Binisita ng mga hurado ng programang “Hapag Kontra Gutom 3.0” ang anim na barangay mula District 1 – 6.
Ito ay proyekto upang masiguro na ang bawat pamilya sa lungsod ay mayroong pagkain sa kanilang hapag o lamesa at wala nang magutom na residente ng lungsod.
Narito ang 6 barangays na napasama sa Citywide Hapag Kontra Gutom:
* District 1 – Brgy. Sto. Cristo
* District 2 – Brgy. Commonwealth
* District 3 – Brgy. Mangga
* District 4 – Brgy. Immaculate Concepcion
* District 5 – Brgy. Greater Lagro
* District 6 – Brgy. Culiat
Kabilang sa mga hurado sina Mayor Joy Belmonte, Department of the Interior and Local Government Director Manny Borromeo, Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz, Climate Change and Environmental Sustainability Department head Andrea Villaroman, Joy Of Urban Farming head Tina Perez, Sustainable Development Projects Officer Nonong Velasco, at Department of Sanitation Waste Management Operations Division Chief Atty. Renato Magbalon.