Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Alagaan ang sarili, alagaan ang pamilya. ![]()
![]()
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang “Happy Mind, Happy Moms: Mental Health and Wellness Orientation for QC Mothers,” kung saan ibinahagi ng alkalde ang mga programa ng QC para sa kababaihan—lalo na ng mga ina at kanilang anak.
Kasama sa programa si Ms. Janete Oviedo, Head ng QC Gender and Development Council Office, na katulong sa pagsulong ng mga inisyatibong nagbibigay-suporta sa mga kababaihan.
Nagbahagi naman ng mga kaalaman si Dr. Maria Liezel Garcia ng QC Health Department tungkol sa perimenopause at menopause.
Tinalakay ni Coach Leah Eriguel ng Better Days Wellbeing Center ang kahalagahan ng mental health at self-care para sa mga nanay.








