HAPPY WORLD BIKE DAY! 🚴‍♀️🚴

Nakikiisa ang lokal ng pamahalaan ng Lungsod Quezon sa selebrasyon ng World Bicycle Day 2024 ngayong araw.

Umaabot ng higit sa 16,000 na mga siklista ang gumagamit ng 173-km QC bike lane network araw-araw base sa pinakahuling tala ng Mobility Awards.

Patuloy naman ang pagpapalawak ng bike lanes at paglalagay ng plant boxes para maging ligtas ang mga siklista.

Isinusulong ni Mayor Joy Belmonte ang active mobility sa lungsod dahil nakakatulong ito para maging healthy ang QCitizens at nababawasan ang carbon footprint.

#WorldBikeDay2024

+21