Happy 10th Anniversary, ImagineLaw!
Pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang public interest law group na ImagineLaw, na partner ng lungsod sa pagsusulong ng mga polisiya at programang tumutugon sa iba-ibang isyung pangkalusugan at pangkalahatang kapakanan ng mga mamamayan.
Kabilang sa mga polisiyang nabuo ng QC katuwang ang ImagineLaw ang QC Road Safety Code, Healthy School Canteen Ordinance, Healthy Public Food Procurement Policy, Calorie Labeling Ordinance, at HIV Ordinance. Kasalukuyan na ring binubuo ang mga polisiya na magpapalakas pa sa alcohol at tobacco control.
Sa selebrasyon, pormal na ring inilunsad ang Implementing Rules and Regulation ng Road Safety Code, Executive Order na nagtatatag ng Road Safety Working Group (QC-RSWG), at ang Safe School Zone Ordinance na nagsisiguro ng ligtas na kalsada at komunidad para sa bawat QCitizen, lalo na sa mga bata.
Kasama ni Mayor Joy sa pagdiriwang sina ImagineLaw Executive Director Atty. Sophia Monica San Luis, Coun. Aly Medalla, Farhad Ali ng Vital Strategies, at Traffic and Transport Management Department Head Dexter Cardenas.










