Nagtungo si Mayor Joy Belmonte sa Jakarta, Indonesia upang dumalo sa Awarding Ceremony ng Harmony in Diversity 2026 ng Temasek Foundation at 5P Global Movement.
Bahagi si Mayor Joy ng judging committee kasama sina Temasek Foundation CEO Mr. Ng Boon Heong at UN Secretary-General’s Special Envoy on Water Ms. Retno L.P. Marsudi.
Nagsilbi namang opisyal na Patron ng Harmony in Diversity Award si Former President of Singapore Halimah Yacob.
Sa seremonya, kinilala bilang Inaugural Recipient ng Harmony in Diversity Award si Cardinal Orlando Beltran Quevedo, Archbishop Emeritus of Cotabato, dahil sa kanyang pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba-iba ng relihiyon at kultura, lalo na sa Mindanao.
Bumisita rin si Mayor Joy sa Jakarta Cathedral at Istiqlal Mosque. Magkatabing nakatayo ang cathedral at mosque, na pinagdurugtong ng Friendship Tunnel bilang simbolo ng pagkakaisa at paggalang sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalataya —isang diwa na sumasalamin sa tema ng Harmony in Diversity.
Samantala, nagcourtesy visit si Mayor Joy kay Governor of Jakarta Pramono Anung bilang bahagi ng kanyang opisyal na pagbisita sa bansa.
Lubos ang pasasalamat ni Mayor Joy sa Temasek Foundation, 5P Global Movement, at sa mga opisyal ng Indonesia para sa kanilang mainit na pagtanggap at sa pagkakataong maging bahagi ng Harmony in Diversity 2026.










