Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Dumalo kamakailan si Mayor Joy Belmonte sa committee meeting bilang hurado para sa Harmony in Diversity Award.
Ang parangal na ito ay naglalayong kilalanin ang mga indibidwal mula sa Southeast Asia na nagpapakita ng pagsisikap upang mapatibay ang pagkakaisa at maayos na relasyon ng bawat isa sa kanilang komunidad, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng kanilang kultura at relihiyon.
Kabilang sa panel of judges sina HRH Tunku Tun Aminah, Ms. Retno L.P. Marsudi, Mr. Panote Sirivadhanabhakdi, at Mr. Ng Boon Heong.
Ang Harmony in Diversity Award ay pinangungunahan ng Temasek Foundation at 5P Global Movement.






