Nakipagpulong ang Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) sa mga lider ng mga organisasyon ng NIA Road, Barangay Pinyahan para ipakita ang mga susunod na hakbang para sa mga residenteng naapektuhan ng sunog.
Sa pulong, ipinakita ni HCDRD head Atty. Jojo Conejero ang planong pagpapatayo ng multi-storey residential building, sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, National Housing Authority (NHA), at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Patuloy na magbibigay suporta ang local at national government para sa mahigit 2,000 apektadong pamilya.
Nakibahagi rin sa dayalogo sina District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate, at Barangay Pinyahan Punong Barangay Ricardo Villaflor.
Bukas, magkakaroon ng konsultasyon para sa lahat ng residente ng NIA Road, na gaganapin sa Risen Garden ng 4PM.










