Bilang pagdiriwang ng kapistahan ng Ina ng Laging Saklolo, nagsagawa ng Health and Wellness Caravan ang lokal na pamahalaan para sa mga QCitizen sa Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro.
Kaiisa sa paghahatid ng iba-ibang serbisyo’t programa ang opisina nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gain Sotto, at District 1 Rep. Arjo Atayde.
Personal naman na nakiisa sina Majority Leader Coun. Doray Delarmente, Coun. Bernard Herrera, Coun. TJ Calalay, Coun. Joseph Juico, Coun. Charm Ferrer, at Punong Barangay Jun Ferrer kasama ang buong barangay council.