Bumisita ang pamunuan ng Health and Wellness Solutions (HAWS) sa pamahalaang lungsod upang iprisinta ang kanilang mobile application kung saan maaaring mag-book ang mga pasyente ng teleconsultation o clinic visit at mas mapapadali ang pag-access ng kanilang medical records.

Consultant din sa HAWS si dating Department of Health Undersecretary Dr. Ted Herbosa.

Nakiisa naman sina Councilors Aly Medalla, Noe Dela Fuente, City Planning and Development Department head Arch. Sonny Rodriguez, at City Health Department OIC Dr. Esperanza Arias sa ginanap na pagtitipon.