Nakatanggap na ng healthcard ang mga kawani ng Office of the City Prosecutor, kasabay ng ginanap na Health and Wellness Symposium sa QC Hall.
Ang programa, na inorganisa ng Prosecutors’ League of Quezon City at Healthway Medical Network Inc., ay naglalayong mabigyan ng mas malawak na access sa quality healthcare ang mga lingkod-bayan.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa mga programang nakatuon sa pangangalaga sa kalusugan ng mga kawani. Ang pagiging malusog at malakas ng bawat empleyado ay susi sa mas mahusay at mas epektibong serbisyo publiko.
Bukod kay Mayor Joy, nakiisa rin sa symposium at ceremonial distribition ng healthcard sina City Prosecutor Vimar Barcellano, at Healthway Medical Network COO Dr. Cay Consunji.









