Nagsilbi bilang isa sa mga panelist si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa isang high level panel discussion na pinamagatang Health for All: Realizing the Human Right to Health for Migrant Population sa Sevilla International Conference Centre sa Spain.

Bahagi ito ng isinasagawang Fast-Track Cities 2022 Conference na nagsimula ngayong araw.

Kasama ni Mayor Joy sa panel ang mga kapwa alkalde mula Blantyre(Malawi), Libre (Gabon) at Travis County (Texas, USA).

Nakadaupang-palad na rin ni Mayor Joy si Ginoong Jose M. Zuñiga President/CEO ng International Association of Providers of AIDS Care, at si Ginoong Eamonn Murphy Deputy Executive Director ng UNAIDS.