Nakikiisa ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa pagdiriwang ngayong buwan ng Setyembre bilang Health, Safety, and Sanitation Month, alinsunod sa Proclamation No. 115-A S. 1966.
Layon nitong isulong at palawakin ang kamalayan ng bawat isa sa kahalagahan ng kalusugan, kaligtasan, at kalinisan ng komunidad. Panatilihing maging mapagmatyag sa ating kapaligiran upang makaiwas sa mga sakit at sakuna.