Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng Healthcare Support Program para sa 182 kwalipikadong QCitizen beneficiaries.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga QCitizen na nasa vulnerable sector at may chronic illness na nangangailangan ng tuloy-tuloy na serbisyong medikal, gaya ng mga pasyenteng sumasailalim sa dialysis at may cancer.
Pinangangasiwaan ng Social Services Development Department (SSDD) ang programa.










