Dalawampu’t isang (21) QCitizen ang nabigyan ng LIBRENG hearing aid, habang siyam (9) naman ang nakatanggap ng LIBRENG prosthesis mula sa pamahalaang lungsod ngayong araw.

Kinumusta ni Mayor Joy Belmonte ang mga benepisyaryo, kasama sina QC General Hospital Director Dr. Josephine Sabando, Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Head Debbie Dacanay, Dr. Josephine Bundoc ng University of the East – Ramon Magsaysay Memorial Medical Center, at mga kinatawan ng Ear Access Philippines.

LIBRENG ibinigay ang mga assistive device sa pangunguna ng QC PDAO.

Para matiyak na maayos at sakto ang mga assistive device, sasailalim ang mga benepisyaryo sa libreng post-rehabilitation therapy sa QCGH.

+18