LIBRENG HEARING AID SA QC! 🦻

Nabigyan ng libreng hearing aid ang 20 QCitizens na deaf at hard of hearing. Pinanguhanahan ni Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng hearing aid katuwang ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at ang Manila Hearing Aid.

Bahagi ito ng Free Assistive Device Program ng PDAO na tumutugon sa mga pangangailangan ng Persons with Disabilities sa Lungsod Quezon.

Bago ang distribusyon, sumailalim sa masusing check-ups at hearing aid fittings ang mga benepisyaryo.

Dumalo sa programa sina PDAO head Debbie Dacanay at Anna Maria Abaño ng Manila Hearing Aid.

#TayoAngQC

#QC85th

+23