Dumalo bilang panelist si Mayor Joy Belmonte sa programa ng Asian Development Bank (ADB) na Promoting Resilience to Heatwaves Strategies and Solutions for Asia and the Pacific na bahagi ng Heat Action Day 2024.

Inihayag ni Mayor Joy ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang bigyang-solusyon ang epekto ng heatwaves sa Lungsod Quezon.

Nais din ng Alkalde na maging katuwang ang ADB upang mapaunlad ang QC local action climate plan partikular na ang heat action plan at sanayin ang mga heat officers sa lungsod.

Kasama ni Mayor Joy bilang panelists sina Water and Urban Development Sector Office Director Neeta Pokhrel, Senior Social Development Specialist Zonibel Woods, Senior Universal Health Coverage Specialist Vasoontara Yiengprugsawan, Senior Economist Minhaj Mahmud, at Gender and Development Director Samantha Hung.

Dumalo rin sa programa ang mga opisyal ng ADB na sina President Masatgusu Asakawa, Managing Director General Woochong Um, Climate Change and Sustainable Development Department Director General Bruno Carrasco, at UN Habitat Global Heat Officer Eleni Myrivili.

+28