Nagsilbing kinatawan ng mga mayor at city leaders sa buong mundo si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na high-level event ng UN Treaty on Plastic Pollution (Plastic Treaty) sa Paris, France na inorganisa ng French Government at United Nations Environment Programme.

Inihayag ng alkalde kung gaano kahalaga na mapakinggan ang bawat sentimiyento ng mga lungsod at komunidad upang mas mapabuti ang Plastic Treaty na tutugon sa problema ng plastic pollution sa buong mundo. Ayon sa alkalde, mga lungsod ang direktang naaapektuhan ng plastic waste crisis kaya kailangan nito ng suporta mula sa mga national leader.

Binanggit din ni Mayor Joy ang mga programa ng lungsod sa plastic waste reduction gaya ng pagbabawal sa paggamit ng plastic bags at single-use plastics sa mga pamilihan sa QC; pagbabawal ng single-use containers at sachets sa mga hotel; at ang Trash to Cashback program na nagbibigay ng insentibo sa mga residente na mag-iipon at magdadala ng recyclable plastics sa designated areas.

Kasama ni Mayor Joy sa panel ng pagtitipon sina French Minister for Europe, and Foreign Affairs Catherine Colonna, French Minister for Ecological Transition and Territorial Cohesion of France Christophe Béchu, United Nations Environment Programme Executive Director Inger Andersen, Marine Biology Professor of University of Plymouth Prof. Richard Thompson, Ellen MacArthur Foundation Executive Head for Plastics and Finance program Rob Opsomer, World Wide Fund for Nature International Correspondent Marco Lambertini, at ang kinatawan ng mga kabataan na si Zuhair Ahmed Kowshik.

Ang pulong ay dinaluhan ng mga leader mula sa iba-ibang bansa, at mga kinatawan ng mga international organization kabilang ang United Nations Environment Programme (UNEP), International Council for Local Environmental Initiatives (ICLEI), Ellen McArthur Foundation, Bloomberg Philanthropies, WWF, World Economic Forum (WEF), United Nations Development Programme (UNDP) and UN Habitat.

Narito ang link sa pagdalo ni Mayor Belmonte sa pulong: https://quezoncity.gov.ph/belmonte-voices-world-mayors…/

May be an image of 8 people and text
May be an image of 14 people and text
May be an image of 2 people and text
May be an image of 7 people, newsroom and text
May be an image of 4 people, people studying and text
May be an image of 3 people and newsroom
May be an image of ‎9 people, newsroom and ‎text that says "‎unesco LNA unesco unesco ا unesco unesco MAIRIE DE QUEZON CrTy‎"‎‎