HIMIGSIKAN SA QC! 🎶

Napuno ng masasayang tugtugin ang Quezon City Hall sa pagtatanghal ng Himigsikan 2024 sa Risen Garden. Ito’y naisagawa sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, buo ang kanyang suporta sa pagpapalaganap ng ating sining at kultura sa Lungsod Quezon.

Nagtanghal din ang mga QC-based artists na QC Symphonic Band, UP Tugtugang Musika Asyatika (UP TUGMA), Tanghalang Quezon City University Chorale, QC Performing Arts Development Foundation, Ileana and Gyle, at UP Dance Company.

Dumalo sa programa sina UP Diliman Chancellor Atty. Edgardo Carlo L. Vistan II, UP Office for Initiatives in Culture and the Arts Director Monica Santos, Councilor Irene Belmonte, Councilor Vito Sotto, City Administrator Mike Alimurung, ACA Don Javillonar, ACA Alberto Kimpo, at mga QC Department heads.

+34