Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Dr. Lawrence Li Tan, President & CEO ng PAEC Global, at VP Yzl Cruz ang paglulunsad ng Hiraya: Tales of Illumina sa Ever Gotesco Mall Commonwealth sa Quezon City.
Ang Hiraya: Tales of Illumina ay isang bagong immersive attraction na hango sa yaman ng kulturang Pilipino.
Tampok dito ang kwento ni Hiraya, isang pitong taong-gulang na batang babae na magdadala sa mga bisita sa mundo ng Philippine mythology at folklore.
Makikita sa museo ang interactive installations, mararanasan ang mga immersive activities, makikilala ang mga mystical “charmers,” at mapapanood ang Illumina Show na may acrobatics, sayaw, at musika.
Binigyang-diin ni Mayor Joy ang kahalagahan ng pagpreserba at pagpapakilala ng mga alamat at kwentong Pilipino sa kabataan bilang bahagi ng kanilang pagkatuto at pagmamahal sa kultura.
Magbubukas na sa publiko ang Hiraya: Tales of Illumina bukas, June 8, 2026!
Inaanyayahan ang lahat na maging bahagi ng isang makulay at mahiwagang paglalakbay tungo sa imahinasyon at kulturang Pilipino. ![]()










