Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte si His Excellency Michel Parys ng Embassy of the Kingdom of Belgium sa kanyang pagbisita sa Quezon City Hall ngayong hapon.

Iginawad nina Mayor Joy at HE Parys ang Certficate of Participation kina Jemima Baetiong ng Lagro High School at Rain Cervantes ng Ismael Mathay Sr. High School na naging “Girl Ambassadors for a Day” sa Embassy of Belgium.

Katuwang ang Spark! Philippines, binigyan ng pagkakataon sina Rain at Jemima na masaksihan at makita ang tungkulin ng mga ambassador na bahagi ng paggunita sa International day of the Girl noong Oktubre.

Sina Rain at Jemima rin ay proud QCitizen student leaders na bahagi ng Center for Excellence in Research and Student Leadership (CENTREX) program ng lokal na pamahalaan.