Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Binisita ni Mayor Joy Belmonte ang idinaos na HIV 101 orientation para sa interns at mga kabataang nasa ilalim ng Special Program for Employment of Students ng Quezon City Government.
Bahagi ng seminar ang pagpapalawak ng kamalayan tungkol sa HIV at AIDS, mga misconception patungkol sa sakit, at ang Republic Act No. 11166 o ang Philippine HIV and AIDS Policy Act.
Nakatanggap din ng libreng HIV testing ang mga dumalo sa programang pinangasiwaan ng Public Employment Service Office at QC Health Department.







