Bumisita sa Quezon City ang mga delegado mula sa Ho Chi Minh, Vietnam at Bangkok, Thailand para pag-aralan ang mga polisiya at imprastraktura ng lungsod sa pagsusulong ng paggamit ng renewable energy.
Sa Quezon City, mayroong Green Building Code na sisiguro na ang mga itatayong building at ire-renovate na establisyimento ay sustainable at resilient sa impacts ng climate change at naaayon din sa international standards para mabawasan ang carbon emissions.
Ibinahagi rin ng lungsod ang Rooftop Solar Dashboard, isang digital tool na nagma-mapa ng solar panel installation sa lungsod na magiging daan sa pagtukoy ng mga gusaling maaaring sumailalim sa net-metering o ng Distributed Energy Resources (DER) program. Sa pamamagitain nito, napapalakas pa ang energy transition initiatives ng QC.
Malugod na sinalubong ni Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) Head Andrea Villaroman ang pagdating ng mga kinatawan mula sa C40 Cities, Bangkok Metropolitan Authority, at Ho Chi Minh City. Naroon din ang mga kinatawan ng Department of the Building Official na pinangunahan ni Engr. Kennedy Diokno at ng City Engineering Department.










