SETS NEW WORLD RECORD!
Nakamit ng National Federation of Hog Farmers, Inc. (NatFed) ang bagong Guinness World Record sa pinakamaraming pork dishes na inihain at idinisplay bilang bahagi ng Hog Festival celebration sa Gateway Mall sa Lungsod Quezon ngayong araw.
Umabot sa 313 pork dishes ang pumasa sa kwalipikasyon at pagsuri ni Guinness World Judge Sonia Ushirogochi. Ang mga putaheng ito ay luto ng mga nakiisang indibidwal, independent chefs, restaurants, at culinary students.
Pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang mga nakiisa at ang NatFed para sa pagpili sa QC bilang Host City ng Hog Festival 2024.
Nakiisa rin sa programa sina Senator Cynthia Villar, Department of Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., DA Usec. DV Savellano, Samahang Industriya ng Agrikultura Chairman Rosendo So, NatFed President Chester Tan, QC Tourism Department OIC Maria Teresa Tirona, at City Veterinarian Ana Maria Cabel.




