Mahal na Birhen ng La Naval: Pintakasi ng Sambayanang Kristiyano, ipanalangin mo kami!

Daan-daang QCitizen ang nakiisa at dumalo sa ikaapat na araw ng Novena Mass na bahagi ng pagdiriwang sa Kapistahan ng Our Lady of La Naval de Manila.

Sama-samang ipinagdasal ng mga residente, sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, ang maayos at matiwasay na pagdiriwang ng ika-85 founding anniversary ng Quezon City.

Inilahad naman ni Councilor Dorothy Delarmente ang nilalaman ng City Resolution SP-9438, S-2023 na nagtatakda sa Oktubre bilang buwan ng paggunita sa anibersaryo ng pagdeklara sa Our Lady of the Holy Rosary of La Naval de Manila bilang patron ng Lungsod Quezon.

Bukod kay Mayor Joy at Coun. Delarmente, dumalo rin sa misa sina District 1 Rep. Arjo Atayde, Coun. Bernard Hererra, Coun. TJ Calalay, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, Mr. Gab Atayde, at mga barangay chairperson.

Ngayong linggo, magsasagawa ng Recorrido ng imahen ng La Naval de Manila na ipu-prusisyon sa iba-ibang distrito ng lungsod. Para sa buong ruta ng prusisyon, umantabay sa Quezon City Government Facebook page.

#LaNavaldeManila2024

+44