Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Mainit na sinalubong ng mga kawani ng Quezon City Government ang pagdalaw ng imahen ng Our Lady of Lourdes sa Quezon City Hall.
Ito ay bahagi ng paggunita sa ika-75 anibersaryo ng National Shrine of Our Lady of Lourdes sa Quezon City.
Isinagawa ang banal na misa na dinaluhan ng mga opisyal ng lungsod, sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte, kasama ang mga empleyado ng lokal na pamahalaan.








