Semana Santa 2026
“Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong pangangailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Jesus.” -Mga Taga-Filipos 4:6-7
Alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1006, Regular Holiday ang April 2 (Maundy Thursday), at April 3 (Good Friday). Special Non-Working Holiday naman ang April 4 (Black Saturday), bilang paggunita sa Holy Week ngayong taon.
Sarado ang ating mga tanggapan sa Quezon City Hall sa nabanggit na mga araw. Pero maaari pa ring ma-access ang mga serbisyo online sa QC e-Services website (https://qceservices.quezoncity.gov.ph/).
Nakaantabay naman ang ating emergency response teams sakaling kailanganin ang kanilang serbisyo.






