Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Mainit na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang cast at production team ng Home Along Da Riles: Da Reunion bilang bahagi ng kanilang film promotion para sa inaabangang pagbabalik ng isa sa pinakatanyag na sitcom sa bansa.
Ang pelikula, sa direksyon ni Boy2 Quizon, ay magsisilbing pagpupugay sa yumaong Comedy King na si Dolphy.
Kasama rin sa pulong si City Tourism Department OIC Giana Barata Vandolph Quizon at Maybelyn Fernandez, kung saan tinalakay ang patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Mapapanood ang Home Along Da Riles: Da Reunion simula Hunyo 17, 2026 sa mga sinehan.





