Homegrown athlete Samantha Catantan, goes to Paris Olympics 2024!
Nagbigay inspirasyon si Catantan sa mga batang atleta ng QC SEP Fencing Foundation sa kanyang pagbisita sa Lucresia Kasilag Senior High School. Kasamang dumalo sa event ang kinatawan ng Distrito Uno na si Congressman Arjo Atayde.
Nagbigay pa siya ng libreng training kasama ang kanyang teammates Mula Air21. Bitbit pa niya ang bagong fencing equipments mula sa kanyang eskwelahan sa Pennsylvania State University. Nagbigay din ng isang box ng medyas ang Burlington sa 60 na batang fencing trainees ng QC SEP fencing program sa Distrito Uno. Pinapasalamatan din ng QC SEP Fencing Foundation ang McDonald’s tumayong food sponsor ng nasabing event.
Mapalad din ang grassroots program na ngayon ay foundation na, ang QC SEP Fencing Foundation na mabigyan ng P500,000 mula sa San Miguel Corporation.
Sa edad na siyam, unang sumali si Sam sa grassroots sports program ni Councilor Joseph Juico na naging tulay niya upang maging scholar sa University of the East at kalaunan sa Pennsylvania State University sa Estados Unidos. Kabilang din si Sam sa mga nakilahok at nagwagi sa South East Asian Games bilang myembro ng National team.
Noong Abril, nag-qualify si Sam para sa Olmypics 2024. Siya ang unang Filipina fencer na napabilang sa Olympics at unang Pinoy fencer na lalahok muli matapos ang 32 taon.
Isang pagbati mula sa Lungsod Quezon, Sam! We are proud of you.




