Muling nagdaos ng subdivision forum para sa District 3, District 4, at District 6 ang City Planning and Development Department (CPDD) para sa mga Homeowners’ Association (HOA) ng Quezon City.

Ipinaliwanag sa forum ang mga programa at polisiya ng lokal na pamahalaan para sa mga residente.

Layon nitong mapakinggan ang suhestiyon ng mga HOA at mabigyang sagot ang kanilang mga katanungan.

Tinalakay naman ni Mayor Joy Belmonte ang maayos at malinis na pamamahala at ang buwis ng taumbayan ay ibabalik sa bayan sa pamamagitan ng dekalidad na mga serbisyo.

Dumalo ang iba-ibang kinatawan ng mga departamento upang ibahagi ang mga proyekto ng lungsod.

+33