Upang mabigyan ng pagkakataong ilahad ang kanilang mga mungkahing proyekto, nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kasama sina City Planning and Development Department head Arch. Pedro Rodriguez, Asst. City Administrators Alberto Kimpo at Don Javillonar, at ilang mga opisyal ng pamahalaang Lungsod Quezon sa mga kinatawan ng homeowners association sa District 6.
Layon ng forum na maging kaisa ng pamahalaang lungsod ang mga homeowners association sa pagbalangkas ng mga proyekto para sa lungsod.
Tinalakay din ang mga programang ipinatutupad ng pamahalaang lungsod pagdating sa COVID-19 response at vaccination, pag-unlad ng QC E-Services kung saan mas pinabilis ang pagproseso ng ilang permit sa lungsod, kaligtasan at kaayusan ng QCitizens, at ilan pang mga programa.
Dumalo rin sa okasyon ang ilang mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod mula sa District 6.