Suportado ng pamahalaang lungsod ang infrastructure projects na itatayo ng mga miyembro ng House of Representatives sa lungsod. Kabilang dito ang bagong gusali ng Philippine Cancer Center, National Kidney Transplant Institute, at Philippine Children’s Medical Center.
Nakiisa si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na Town Hall Meeting ng HOR at PCMC kasama sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, QC District 3 Rep. Franz Pumaren, Ako Bikol Partylist Rep. Elizaldy Co, TGP Partylist Rep. Bong Teves, Tingog Partylist Rep. Jude Acidre, at Iloilo first district Rep. Janette Garin.
Kaisa ng QC ang national government sa pagsusulong ng social at health services na higit na makatutulong sa mga residente.