Sumailalim sa HPV DNA Screening Test ang mga kababaihang Persons Deprived of Liberty (PDL) at ilang personnel ng QC Female Jail Dormitory noong October 31, 21 at November 8, 2022.

Sa tulong ng Quezon City Health Department (QCHD) ay nasuri ang 383 PDL at 8 personnel para sa Cervical Cancer at iba pang uri ng Human Papillomavirus (HPV). Bukod dito ay nabigyan din ng lecture ang mga kababaihan ukol sa mga programa ng pamahalaang lungsod para sa Cervical Cancer, kabilang ang pamamaraan ng self-collection para sa testing.

Ang isinagawang HPV DNA Screening Test ay bahagi ng “No Woman Left Behind” program ni Mayor Joy Belmonte.