Sumailalim sa libreng Human Papillomavirus (HPV) DNA Screening para sa Cervical Cancer at iba pang uri ng HPV ang 160 na Persons Deprived of Liberty at 3 na Personnel mula sa Quezon City Jail Female Dormitory na bahagi ng tatlong batch testing ng Programang Pangkalusugan sa tulong ng Quezon City Health Department.

Nagbigay ng lecture si Ms. Ma Lourdes V. Raz mula sa Quezon City Health Department, QC Responsible Parenthood and Family Planning (RPFP) ukol sa mga programa ng pamahalaang lungsod laban sa Cervical Cancer, kabilang ang pamamaraan ng self-collection para sa testing.

Nagpapasalamat ang Quezon City Jail Female Dormitory na pinangungunahan ni City Jail Warden, JSUPT MARIA IGNACIA C MONTERON kay Mayor Joy Belmonte para sa No Woman Left Behind program ng lungsod, at sa ibang sangay ng lokal na sektor sa pangunguna ni Dr. Esperanza Anita N. Escaño-Arias, MD, MPH ng City Health Department, at Dr. Mary Rochelle Paulino, Head, Responsible Parenthood and Family Planning (RPFP), at City Maternal, Newborn, Child Health and Nutrition (MNCHN) Coordinator para sa pangangalaga ng kalusugan ng mga Person Deprived of Liberty.

#NoWomanLeftBehind