Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa Human Rights and Sustainable Development Conference sa Paris, France na inorganisa ng French Development Agency (Agence Française de Développement o AFD).
Sa pangunguna ni Ginoong Farid Lamara, tinalakay sa pulong kung paano mas mapapaunlad ang pagrespeto at proteksyon sa karapatang pantao. Nagbahagi rin ng kanilang obserbasyon ang ilang natatanging stakeholders sa kasalukuyang sitwasyon ng karapatang pantao sa buong mundo.
Ang AFP Group ay nagpopondo, sumusuporta at nagtutulak ng mga hakbang para sa mas patas at sustainable na mundo. Nakatutok sila sa pagsasakatuparan ng Sustainable Development Goals (SDGs) sa larangan ng climate, biodiversity, peace, education, urban development, health at governance sa 150 bansa.
Ilan sa mga naging speaker sa pulong sina:
Thomas Melonio- Executive Director Innovation, Research, Strategy, AFD
Delphine Borione- Ambassador for Human Rights, Ministry of Europe and Foreign Affairs
Marianna Belalba- Director of research on civic space, CIVICUS.
Idinaos ang kumperensya kasabay ng ika-75 anibersaryo ng Universal Declaration of Human Rights at ang ika-25 na anibersaryo ng United Nations Declaration on Human Rights Defenders.
Kabilang din sa dumalo sa pulong si Spark Philippines, Executive Director Maica Teves.