Naimbitahan si Mayor Joy Belmonte na dumalo sa “Capital Conferences Cycle: Rule of law and human rights in the world: where are we?” na inorganisa ng City of Paris sa pangunguna ni Paris Mayor Anne Hidalgo.
Tinalakay sa conference ang iba-ibang isyu kaugnay sa karapatang pantao, mga hamon sa pagkamit ng demokrasya, at environmental at digital rights, na kinakaharap ng iba-ibang bansa sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.
Ang conference ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa iba-ibang International Institutions, Governmental Institutions, Non-Governmental Organizations, at Honorary Citizens ng City of Paris.
Kasama ni Mayor Joy sa conference at 75th anniversary celebration ng declaration of human rights sina Nobel Peace Prize Awardee Maria Ressa, Spark! Philippines Executive Director Maica Teves, at Gender and Development TWG Head Janet Oviedo.