Nakatanggap ng 500 packs ng hygiene kits at 39 pcs. na make-up kits ang persons deprived of liberty sa Quezon City Jail Female Dormitory mula sa Office of the City Mayor sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Council.

Ito ay bilang paggunita sa darating na National Correction Consciousness (NACOCO) Week.

Lubos na nagpapasalamat si JSUPT MARIA IGNACIA C MONTERON, City Jail Warden, Tahanan ng Bagong Pag-asa – Quezon City Jail Female Dormitory kay Mayor Joy Belmonte sa kanyang walang sawang pagsuporta sa mga Person Deprived of Liberty.

#NoWomanLeftBehind