Nakatanggap ng 630 boxes ng hygiene kits ang Quezon City Jail Female Dormitory mula sa tanggapan ni First Lady Louise Araneta-Marcos.
Bukod dito ay nabigyan din ang dormitoryo ng filing cabinets, television, at sound system na kanilang magagamit sa mga aktibidad at programa.
Lubos na nagpapasalamat ang Quezon City Government at QC Female Dormitory Jail Warden JCInsp. Lourvina Abrazado kay First Lady Araneta-Marcos, sa pagkalinga sa mga Person Deprived of Liberty (PDL) ng QCJFD.