Isinagawa ng mga mag-aaral mula sa Justice Cecilia Muñoz Palma Senior High School ang isang educational tour sa Hyundai Commonwealth Avenue, kung saan nasaksihan at naranasan nila ang iba-ibang proseso sa isang modernong automotive dealership.
Sa pamamagitan ng aktwal na exposure sa automotive operations, mas napalalim ang kanilang pag-unawa sa industriya at mas naiuugnay ang kanilang mga natutunan sa silid-aralan sa totoong gawain sa field. Ibinahagi rin ng mga propesyonal ang kaalaman tungkol sa kasalukuyang service practices, safety standards, at diagnostic procedures.
Maraming salamat sa Hyundai Motor Philippines Inc. at Hyundai Commonwealth sa mainit na pagtanggap at maayos na paggabay. Isang karanasang nagbigay ng dagdag na kaalaman at inspirasyon sa ating mga mag-aaral na nagnanais tahakin ang larangan na may kinalaman sa automotive industry.








