Ipinagdiriwang ng Quezon City ang ika-108 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Makasaysayang Pananda ng Kangkong (ngayon ay Apolonio Samson) ngayong araw.
Sa Barrio Kangkong unang nagtipon at nagplano ang mga miyembro ng Kataastaasan Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKKMANB) kung paano makakalaya mula sa mga Kastila.
Sa lugar ding ito malugod na tinanggap ni Apolonio Samson, o mas kilala bilang Tinyente Pulonyo, ang mga kapwa niya Katipunero para bigyan ng pagkain at pansamantalang matutuluyan.
Pinangunahan ni District 6 Rep. Marivic Co-Pilar ang paggunita, kasama sina Coun. Ellie Juan, Coun. Vic Bernardo, Coun. Cocoy Medina, District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave, Punong Barangay Elizabeth De Jesus, mga department head, at civic society organizations.








