Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad inaksyunan ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), ang report ng isang concerned QCitizen sa illegal parking sa bahagi ng Juan Luna Street sa Barangay Sta. Lucia.
Nakipag-ugnayan ang TTMD sa mga may-ari ng sasakyan na nakaharang sa kalsada at nagsagawa ng clearing operations sa naturang lugar.
Patuloy ang Quezon City Government sa pagsasagawa ng active monitoring para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa lungsod Quezon.
Para sa agarang aksyon kaugnay ng kaparehong concern, ipagbigay-alam ito sa amin o tumawag lamang sa Helpline 122.
Maraming salamat po.








