Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad inaksyunan ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), ang reklamong ipinadala ng isang concerned QCitizen kagabi, March 22, hinggil sa illegal parking sa kahabaan ng Peacock St., Brgy. Commonwealth.
Kasabay nito nag-isyu rin ng ordinance violation receipt (OVR) ang mga tauhan ng TTMD para sa mga naaktuhang lumalabag sa mga ordinansa.
Patuloy ang Quezon City Government sa pagsasagawa ng active monitoring para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa lungsod Quezon.
Para sa agarang aksyon kaugnay ng kaparehong concern, ipagbigay-alam ito sa amin o tumawag sa Helpline 122.








