Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad na tumugon ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), sa ulat ng isang concerned QCitizen hinggil sa illegal parking sa bike lane sa ilang bahagi ng Commonwealth Avenue, Barangay Commonwealth.
Ikinasa ang clearing operations upang alisin ang mga sasakyang nakaharang sa bike lanes, na maaaring magdulot ng panganib sa mga siklista at sagabal sa maayos na daloy ng trapiko.
Patuloy ang aktibong monitoring ng pamahalaang lungsod upang mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at maayos na daloy ng trapiko sa Quezon City.
Hinihikayat ang publiko na i-report ang mga kahalintulad na insidente sa Helpline 122.










