Agad na tumugon ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), sa reklamong ipinadala ng isang concerned QCitizen hinggil sa illegal parking sa bike lane sa kahabaan ng IBP Road, Brgy. Payatas A.
Nagsagawa ng clearing operation ang mga tauhan ng TTMD at inisyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ang mga sasakyang ilegal na nakaparada sa bike lane, na maaaring magdulot ng panganib sa mga siklista at pagbagal ng daloy ng trapiko.
Patuloy na pinapaalala ng Pamahalaang Lungsod na ang bike lanes ay nakalaan para sa mga siklista. Pinapayuhan ang mga motorista na iwasang mag-park o dumaan sa bike lanes upang makaiwas sa multa at mapanatili ang kaligtasan ng lahat.
Para sa agarang aksyon kaugnay ng kaparehong concern, ipagbigay-alam lamang ito sa amin o tumawag sa Helpline 122.








