Agad inaksyunan ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), ang report ng isang concerned QCitizen tungkol sa illegal parking sa bike lanes sa Quezon Avenue corner Speaker Perez St., Barangay Santa Teresita.
Nakipag-ugnayan ang TTMD sa barangay at mga may-ari ng sasakyan na nakaharang sa kalsada at nagsagawa ng clearing operations sa nasabing lugar.
Patuloy ang Quezon City Government sa pagsasagawa ng active monitoring para matiyak ang maayos na daloy ng trapiko at mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa lungsod Quezon.
Hinihikayat po natin ang publiko na i-report sa amin o sa Helpline 122 ang mga kahalintulad na concern.
Maaari ding mag-file ng non-emergency concerns sa QC iReport (https://qceservices.quezoncity.gov.ph).








