Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad na umaksyon ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), sa ulat ng isang concerned QCitizen kaugnay ng illegal parking sa Labayani St., North Fairview.
Inisyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ang mga sasakyang ilegal na nakaparada sa kalsada upang makatulong sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na daloy ng trapiko.
Patuloy ang monitoring at clearing operations ng lungsod upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa mga kalsada.
Para sa mga kaparehong concern, mag-report sa QC iReport: https://qceservices.quezoncity.gov.ph/ o tumawag sa QC Helpline 122.









