Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad inaksyunan ng Quezon City Government, sa pangunguna ng Traffic and Transport Management Department (TTMD), ang reklamong ipinadala ng isang concerned QCitizen hinggil sa illegal parking sa Don Damaso St. Brgy. Holy Spirit.
Inalis at inisyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) ticket ang mga sasakyang iligal na nakaparada sa daan at iba pang mga sagabal sa kalsada.
Hinikayat din ang Homeowners Association (HOA) sa lugar na magpatupad ng “No Parking on Both Sides” policy upang mapanatiling maayos at ligtas ang lansangan.
Para sa agarang aksyon kaugnay ng kaparehong concern, ipagbigay-alam ito sa amin o tumawag lamang sa Helpline 122.
Maraming salamat po.










