Nakiisa ang Quezon City Government sa ikalawang araw ng In-Country Event of the Leaders in Innovation Fellowship (LIF) Program.
Engineering Challenge Session ang naging paksa sa Day 2 ng LIF, kung saan iprinesenta ng Climate Change and Environmental Sustainability Department sa pangunguna ni Acting Chief, Adaptation Division, Francis Ian Agatep, ang mga proyekto ng lungsod sa usaping green space expansion, engineering challenge, at kung saan makakatulong ang mga kasamang innovators mula sa iba-ibang panig ng bansa.
Nagkaroon din ng onsite tour sa Quezon Memorial Circle para makita ng mga innovators and facilitators ang on going developments at rehabilitations dito.
Kasama sa mga nanguna sa Engineering Challenge Session at mga main facilitators ng LIF ay mga kinatawan mula sa Royal Academy of Engineering, Oxentia, at Department of Science and Technology (DOST-NCR, DOST-PCAARRD, DOST-PCIEERD, DOST-PCHRD).
Kasama rin bilang innovators ang mga kinatawan mula sa Nueva Vizcaya State University, CareGo Health Suite, University of the Philippines Los Baños, Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization, De La Salle Lipa, Inc, Industrial Technology Development Institute, Capiz State University, Tambanokano Aqua Farm at University of Santo Tomas.
At mga kinatawan naman ng Quezon City Departments na pinangunahan ni City Administrator Michael Alimurung, City Planning and Development Department, City Architect Department, City Department of Engineering, Parks Development and Administration, at Office of the City Administrator.
Itinatag ang LIF noong 2014 sa tulong ng partnership ng DOST at United Kingdom Royal Academy of Engineering na may layong buuin ang kakayahan ng researchers at innovators na i-commercialise ang kanilang innovative projects na tumugon sa social at economic challenges ng isang lungsod.




