MULTI-PURPOSE BUILDING, MAGAGAMIT NA! ![]()
Magagamit na ng mga QCitizens ang bagong tayong 3-storey multi-purpose building sa Barangay Nagkaisang Nayon matapos itong pasinayaan ni Mayor Joy Belmonte ngayong Sabado.
Mapakikinabangan ng komunidad at ng barangay ang naturang imprastraktura dahil magsisilbing mortuary ang groundfloor nito, at mga opisina at malawak na hall naman sa ibang pala pag.
Tuloy-tuloy ang pagsasaayos at paggawa ng infrastructure projects sa mga barangay upang mas mailapit ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan sa QCitizens.
Dumalo sa pagpapasinaya sina Chief of Staff Rowena Macatao, City Architect Ar. Red Avelino, City Engineer Atty. Dale Perral, Internal Audit Service Head Atty. Noel Gascon, Traffic and Transport Management Department Head Dexter Cardenas, District 5 Action Officer William Bawag at P/B Sonny Dela Cruz.








