WORLD-CLASS FACILITIES SA AMORANTO, BUKAS NA!
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagpapasinaya sa apat na modernong pasilidad sa Amoranto Sports Complex na layong maging venue ng Lungsod Quezon para magsagawa ng mga local at international sports competition.
Ayon kay Mayor Joy, layunin ng lungsod na i-ayon sa international standards ang pagsasaayos ng Amoranto Sports Complex at iba pang sports facilities sa QC. Kabilang rin dito ang pagpapataas ng antas ng sports sa lungsod at makatulong din sa pagsasanay ng mga atletang QCitizen.
Kabilang sa mga modernong imprastraktura ang Amoranto Sports Arena na may 3,500 seating capacity, ang 10-lane Olympic-size Amoranto Swimming Pool, ang multi-level Amoranto Parking Building, at ang Open Tennis Court na bahagi ng Amoranto Indoor Sports Facility.
Katuwang ng alkalde sa ribbon cutting sa apat na pasilidad sina Acting Vice Mayor Coun. Alex Bernard Herrera, City Administrator Mike Alimurung, Coun. Imee Rillo, Coun. Egay Yap, Coun. Irene R. Belmonte, Coun. Nanette Castelo Daza, at SK Federation President Coun. Noe Dela Fuente, QC department heads, mga opisyal at kawani ng mga barangay, at action officers ng bawat distrito sa lungsod.